Pumunta si Ummu Qays bint Miḥṣan (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang anak niya na hindi pa nagsimula sa pagkain ng pagkain dahil sa pagkabata ng edad nito. Nagpaupo nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kandungan niya saka umihi naman ang paslit sa damit niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya humingi siya ng tubig at nagwisik siya nito sa damit niya at hindi siya naghugas nito.