Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang paghiling sa [Kapangyarihan] Panunungkulan; Sapagkat sinuman ang mapagkalooban nito na hinihiling niya,papabayaan niya at iiwan niya dahil sa pagnanais niya sa maka-mundong bagay at pagpapalit niya rito sa Kabilang buhay,At ang sinuman ang mapagkalooban nito nang hindi hinihiling,ay tutulungan siya ni Allah rito,At ang panunumpa sa isang bagay ay hindi magiging hadlang sa kabutihan,Kapag nakita ng nanumpa ang [higit na] kabutihan sa pinanumpaan niya,Ipinapahintulot sa kanya ang pag-suway sa sinumpaan niya sa pamamagitan ng pagbayad nito,pagkatapos ay isagawa niya ang [Higit na magdudulot] ng kabutihan.