Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa simpleng pag-aangkin nila nang walang mga patunay ni mga katibayan, talaga sanang may nag-angkin na mga tao ng mga yaman ng mga ibang tao at mga buhay ng mga ito; subalit kinakailangan sa tagapag-angkin ang paghahain ng katunayan at patunay sa anumang hinihiling niya. Kung hindi siya nagkaroon ng isang katunayan, ilalahad ang pag-aangkin sa inaangkinan. Kung nagkaila nito ang inaangkinan, kailangan sa kanya ang sumumpa at mapawawalang-sala siya.