Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "O Allāh, ako ay tao lamang. Nagagalit ako kung paanong nagagalit ang tao. Kaya alinmang mananampalatayang naperhuwisyo ko o inalipusta ko o isinumpa ko at dinalanginan ko ng pagtaboy mula sa awa Mo o hinagupit ko o sinaktan ko, gawin mo iyon para sa kanya bilang pagbusilak, pampalapit-loob, pagdadalisay, panakip-sala, at awang ipang-aawa Mo sa kanya."