Sa ḥadīth ay may nasaad na halimbawa ng pag-asa ng tao, taning niya, mga kasawiang kakaharapin niya, at kamatayan niya sa pagsapit ng isa sa mga kasawian. Kapag naligtas siya sa isa sa mga ito, pupuntahan naman siya ng kamatayan sa pagwawakas ng taning niya. Ang mga guhit na ito ay ang mga kapahamakang humaharap sa kanya. Kung nakaligtas siya sa isang ito, hindi siya makaliligtas sa isang iyan. Kung nakaligtas siya sa lahat at hindi siya dinapuan ng kapahamakang gaya ng sakit o pagkawala ng ari-arian o iba pa, gugulatin naman siya ng taning. Ang buod: Tunay na ang sinumang hindi namatay dahil sa kadahilanan, mamatay dahil sa taning. Kaya habang ang tao ay gayon sa mga kapahamakang ito, "dumating na pala ang guhit na pinakamalapit." Ito ang taning. Mayroon itong pahiwatig sa paghimok sa paglilimita sa pag-asa at paghahanda sa pambibigla ng taning. Nagpahayag siya gamit ang "tuklaw," ang kagat ng may kamandag, bilang pagpapalabis sa pagdapo ng kapahamakan at sa pagpapasawi.