Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa ng i`tikāf sa sampung huling araw ng Ramaḍān nang ang maybahay niyang si Ṣafīyah, malugod si Allah dito, ay dumalaw sa kanya sa isa mga gabi. Kinausap nito siya nang saglit. Pagkatapos ay tumayo ito upang umuwi sa bahay nito. Tumayo siya kasama nito upang ihatid ito at sabayan ito. May napadaang dalawang lalaking kabilang sa mga Anṣārīy. Noong nakita ng dalawang iyon ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagmadali ang dalawang iyon sa paglalakad dala ng pagkahiya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang nakita siya ng dalawa iyon kasama ang maybahay niya. Kaya nagsabi siya: "Maghinay-hinay kayong dalawa..." Nangangahulugan ito: magdahan-dahan kayo sa paglalakad; siya ay maybahay ko lamang na si Ṣafīyah. Kaya nasabi ng dalawang iyon: "Napakamaluwalhati ni Allah, o Sugo ni Allah. Pumapasok ba sa isip ang pag-aakala ng kasagwaan sa iyo?" Kaya ipinabatid niya sa dalawang iyon na ang demonyo ay masigasig sa pagbuyo sa mga anak ni Adan. Ito ay may malaking kapangyarihan sa kanila sapagkat ito ay dumadaloy mula sa kanila gaya ng pagdaloy ng dugo dahil sa selan ng mga pasukan nito at pagkakubli ng mga tinatahakan nito. Natakot siya na pumukol ito sa mga puso nilang dalawa ng anuman.