Ang mga lugar na ito noon ay mga palengke ng mga Mushrik. Nagkakalakalan sila sa mga ito sa mga araw ng ḥajj. Nangamba ang mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila, na magkasala kapag nakipagkalakan sila sa mga ito sa araw ng ḥajj. Ibinaba ni Allah ang nabanggit na talatang ito upang linawin sa kanila na ang pangangalakal sa panahon ng ḥajj ay hindi nakasisira rito kasabay ng pagsasagawa ng mga rituwal sa paraang ayon sa Sharī`ah. Ang pangangalakal sa ḥajj ay ipinahihintulot subalit ang karapat-dapat at ang pinakamagaling ay ang italaga ang sarili sa pagsasagawa sa mga gawain ng ḥajj. Ito ang pinakamainam.