Ipinapahayag sa Marangal na Hadith ang ilan sa mga pangyayari sa pagkasakit ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bago ang pagkamatay niya,at kabilang rito ay katotohanang tumindi sa kanya ang sakit,Nagtanong siya sa sinumang nakasama niya;Nakapagdasal naba ang mga Tao?Sinabi sa kanya:Hindi pa,Nagpakuha siya ng lalagyan ng tubig at naligo siya rito ngunit nawalan siya ng malay,at nang magkamalay, inulit niya ang tanong,at inulit niya ang pagligo ngunit nawalan ulit siya ng malay,at naulit ito ng tatlong beses,pagkatapos ay ipinag-utos niya kay AbūBakar na magdasal para sa mga Tao,At nang dumating sa ka nya ang sinugo,inutusan ni AbūBakar si 'Umar na magdasal ( para sa mga tao) ngunit hindi siya nagdasal sa kanila,datapuwat ay pina-una niya si AbūBakar sapagkat siya ay mas karapat-dapat sa kanya,At naramdaman ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa sarili niya ang sigla at lakas at lumabas siya sa pagitan ni 'Abbās at 'Alī malugod si Allah sa kanilang dalawa-Habang si AbūBakar at nagdadasal sa mga Tao ng Dhuhr,At nang makita niya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nagtangka itong magpahuli,ngunit ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa kanya na manatili sa kinalalagyan niya at umupo siya sa tabi niya at naging si AbūBakar ay sumusunod sa dasal ni Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga Tao ay sumusunod sa dasal ni AbūBakar-malugod si Allah sa kanya.