Ipinapahayag ng marangal na Hadtih na ang ang pananalangin [ng Qunut] sa dasal na Al-Fajr,kung hindi dahilan sa nakatalagang pagsubok,ito ay isang Bid`ah o makabago sa relihiyon. Nagsabi si Shiekh Al-Islam: walang pananalanging Qunut na maliban sa Witr,maliban kung bumagsak sa mga Muslim ang isang pagsubok,dito ay mananalangin ng Qunut ang bawat nagdarasal sa lahat ng dasal,ngunit sa [dasal na ] Al-Fajr at Al-Maghrib ay siguraduhin,dahil sa naaangkop sa pagsubok na yaon, At ang sinuman ang nakakaunawa sa Sunnah,malalaman niya nang tiyak na kaalaman na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nanalangin ng Qunut ng palagian sa mga pagdarasal. Tawdih Al-Ahkam (250/2)