Nakakita ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang kamelyo na [halos] dumikit na ang likod nito sa tiyan nito dahil sa tindi ng gutom kaya ipinag-utos niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kabaitan sa mga hayop, at na isinasatungkulin sa tao na tratuhin ang mga ito nang magandang pagtrato kaya naman hindi aatangan ang mga ito ng hindi makakaya ng mga ito, hindi magkukulang sa karapatan ng mga ito sa pagkain at inumin. Kung sasakyan ang mga ito, dapat nababagay sakyan. Kung kakainin ito dapat nababagay kainin.