Nasaad sa ḥadīth ang pag-uudyok sa pagbibigay ng pagkain. Kung ito ay kakaunti man, magkakaroon ito ng nilalayong kasapatan. Magkakaroon ito ng biyaya na sasaklaw sa mga dumadalo roon. Ito ay isang pag-uudyok mula sa kanya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa pagtangkilik sa iba higit sa sarili. Nangangahulugan ito na kung sakaling binigyan ka ng pagkain mo na tinaya mo na ito ay sasapat sa iyo at may dumating na ibang tao, huwag kang magmaramot sa kanya at magsabing: Ito ay pagkain ko lamang. Bagkus bigyan mo siya mula rito nang sa gayon ay maging sapat para sa dalawa.