Ang tao sa kabilang buhay ay magiging kasama niya ang sinumang pinaka-iibig niya sa Mundo.Napapaloob sa Hadith na ito ang pag-hihimuk ng malakas na pag-ibig sa mga Sugo at mabubuting tao,at pagsunod sa kanila,batay sa pagkakasunod-sunod nila,At ang pagbibigay babala sa pag-ibig ng sinumang sumasalungat sa kanila,Dahil ang pag-ibig ay isang patunay sa malakas na pag-uugnayan ng umiibig sa sinumang iniibig niya,at pagsunod niya sa kaugalian niya,at pagiging huwaran niya sa kanya,Ito ay napapatunayan sa pagkkaroon nito,at ito rin ang magpupukaw sa kanya rito,at gayundin sinuman ang umiibig kay Allah-Pagkataas-taas Niya-Tunay na ang kaluluwang umiibig sa Kanya ay kabilang sa pinaka-dakilang pagsamba niya kay Allah,Sapagkat si Allah ay Mapagpasalamat,ipinagkakaloob niya sa sinumang sumasamba sa kanya ang higit pa sa pinagsikapan niya,ng maraming pagpapa-ulit.At dahil sa ang umiibig ay magiging kasama niya ang iniibig niya,hindi kinakailangang maging kapantay niya ito sa kinalalagyan niya at sa taas ng antas niya;Sapagkat ang mga ito ay nagkakaiba-batay sa pgkakaiba ng mabubuting gawain at sa mga tagumpay na kala-kalan, Ito ay dahil sa ang pagsasama ay nakakamit sa pamamagitan ng pagtitipon sa anumang bagay.at hindi ito kinakailangan sa lahat ng bagay.Kapag sinang-ayunan na ang lahat ay papasok sa Paraiso,[sa pamamagitan nito] ay nakamtan ang pagsasama,kahit nagkakaiba ang mga antas,Sinuman ang umibig sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-o isa sa mga mananampalataya,siya ay magiging kasama niya sa Paraiso,Dahil sa magandang intensiyon nito,sapagkat ito ang inuuna.at ang gawain ay sumusunod sa kanya,at hindi kinakailangan mula sa pagiging sila ay kasama nila,na makasama siya sa antas [kinalalagyan nila,at gayundin, hindi ang gantimpalaan siya tulad ng gantimpala nila sa lahat ng bagay.