Ipinapahayag ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kaapag lumabas ang isang lalaki sa bahay niya at sinabi niyang:Sa Ngalan ni Allah,Ipinaubaya ko ang pananalig sa Allah, walang Kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah;Mananawagan sa kanya ang isang Anghel: O lingkod ni Allah! Napatnubayan ka sa matuwid na landas,at naging masiyahin ka sa iyong pagkalungkot,at napangalagaan ka laban sa iyong mga kaaway;Lalayo sa kanya ang Satanas na naitlaga sa kanya,At sasabihin ng ibang Satanas sa Satanas na ito,Papaano mo maililigaw ang isang lalaking napatnubayan at nasiyahan at napaangalagaan mula sa mga [kasamaan ng] lahat ng Satanas.Sapagkat sinabi niya ang salitang ito,hindi hindi mo siya makakayanan.