Dumating ang Islām at inalis sa mga tao ang mga pabigat ng Panahon ng Kamangmangan, lalo na sa babae. Sila noon ay nagtatrato nang masama sa kanya at nang-aapi sa kanya kaya naman pinangalagaan ng Islām ang karapatan niya. Sa ḥadīth na ito, may pumuntang isang babaing sumasangguni sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ipinabatid nito sa kanya na ang asawa ng anak nito ay namatay kaya naman iyon ay nagluluksa. Ang pagluluksa ay pag-iwas sa pagpapaganda subalit iyon ay dumaing ng hapdi sa mga mata kaya may pahintulot ba para roon sa paggamit ng kuḥl? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh nang inuulit-ulit habang nagbibigay-diin doon. Pagkatapos ay binawasan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang yugtong mananatiling nagluluksa ang babae dahil sa pagkamatay ng asawa para maging apat na buwan at sampung araw. Kaya hindi pa ba matitiis ng babae ang maikling yugtong ito na may kaunting kaluwagan? Ang mga babae noong Panahon ng Kamangmangan, pumapasok ang nagluluksa sa kanila sa isang maliit na bahay na para bang ito ay isang lungga ng ligaw na hayop. Iniiwasan niya ang pampaganda, ang pabango, ang paligo, at ang pakikihalubilo sa mga tao kaya nagkakapatung-patong sa kanya ang mga libag at ang mga karumihan, habang nakabukod sa mga tao sa buong taon. Kapag natapos siya roon, bibigyan siya ng dumi ng kamelyo at itatapon niya ito bilang pahiwatig na ang nakalipas sa kanya na kagipitan, higpit, at hapis ay hindi nakapapantay nitong dumi ng kamelyo kung ihahambing sa pagganap ng karapatan ng asawa niya. Dumating ang Islām at pinalitan nito ang kasalaulaang iyon ng isang pagpapala at ang kakitirang iyon ng kaluwagan. Pagkatapos ay hindi pa siya makapagtiis na hindi gumamit ng kuḥl. Kaya naman wala siyang pahintulot upang hindi iyon maging daan tungo sa pagbukas ng pinto ng pagpapaganda para sa nagluluksa.