Pumanaw ang ama ni Umm Ḥabībah at narinig na niya ang pagbabawal sa pagluluksa nang higit sa tatlong araw maliban sa asawa. Ninais niyang ipatupad ang pagsunod kaya nagpakuha siya ng isang pabangong nahaluan ng kulay dilaw at ipinahid niya ito sa mga braso niya. Nilinaw niya ang dahilan ng pagpapabango niya: na siya ay nakarinig sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Hindi ipinahihintulot sa sa isang babaing sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw na magluksa sa isang patay nang higit sa tatlong [araw], maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]."