Si Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, ay ang pinakamarami noon sa Anṣār sa Madīnah sa mga sakahan. Mayroon siyang pataniman noon sa harap ng masjid, na may tubig na tabang. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumupunta noon roon at umiinom mula roon. Noong bumaba ang sabi ni Allāh (Qur'ān 3:92): "Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo," nagdali-dali si Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, nakipag-unahan, mabilis na pumunta, dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Allāh ay nagbaba ng sabi Niya: 'Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo,' tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga ari-arian ko para sa akin ay ang Bayraḥā' - ito ang pangalan ng patanimang iyon - at tunay na ako ay naglalagay niyon sa harapan mo bilang kawanggawa alang-alang kay Allāh at sa Sugo Niya." Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang humahanga: "Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Itinuturing kong ilaan mo ito sa mga kaanak mo." Kaya ginawa niya, malugod si Allāh sa kanya, at hinati-hati iyon sa mga kaanak niya at mga anak ng tiyuhin sa ama niya.