Hinimok at inudyukan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pagpatay sa tuko. Ipinabatid niya na ang sinumang pumatay nito sa unang palo ay isusulat para sa kanya ang isandaang magandang gawa; ang sinumang pumatay nito sa ikalawang palo ay magkakamit siya ng mababa kaysa roon; at ang sinumang pumatay nito sa ikatlong palo ay magkakamit siya ng mababa kaysa sa ikalawa.