Nasaad sa ḥadīth na ito ang paghimok sa pakikibaka at ang paglilinaw sa matinding parusa mula kay Allah sa Mundo bago ang Kabilang-buhay sa sinumang iniwan ang pakikibaka sa landas ni Allah o iniwan ang pagtulong sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng salapi o sa pag-alalay sa kanila sa pagkalinga sa mga mag-anak nila at pangangalaga sa mga ito habang wala sila. Ang mga tumigil sa pagsasagawa sa mga bagay na ito, dadapuan sila ng mga malaking kasawian resulta ng pagkukulang niya sa pagtulong sa Relihiyon ni Allah.