Walang isang magmimithi o nanaising mawalay sa Paraiso matapos makapasok doon at bumalik sa Mundo muli. Kahit pa man ibigay sa kanya ang buong Mundo kalakip ng nilalaman nito ng mga kayamanan at mga mamahaling bagay at nasa ibabaw nito na mga palasyong mataas at mga hardin ng pagkamayaman. Pagkatapos ay ibinukod mula roon ang martir sapagkat tunay na siya ay ibig bumalik sa Mundo nang sampung ulit upang makibaka sa tuwina sa landas ni Allāh at maging martir kaya naman matatamo niya dahil sa pagkamartir ang gantimpalang sampung ulit kapalit ng isang ulit. Iyon ay dahil sa nakikita niyang karangalang nakakatagpo ng mga martir.