Binabanggit ni Aieshah -malugod si Allah sa kanya- na Nadidikitan ang damit ng Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng Tamud (isperma) mula sa pakikipag-talik, minsan ito ay mabasa-basa at hinugusan niya ito sa damit niya ng tubig, at lumalabas siya upang magdasal na ang tubig ay hindi pa gaanong tuyo sa damit nito. At minsan ang tamud ay nagiging magaspang, at sa oras na yaon ay kinukuskos niya ito sa damit niya ng isang kuskos at nagdarasal siya rito.