Dumating si Umm Sulaym-Al-Ansariy-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,upang tanungin siya;At nang ang tanong niya ay may kaugnayan sa ari,na siyang ikinahihiya sa pagbanggit nito sa kadalasan,Inuna niya pagtatanong niya ang panimula upang maibgay niy ang tanong niya,upang maging magaan ang kinalalagyan niya sa mga nakikinig.Nagsabi siya"Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-na Siya ang katotohanan,Hindi Niya hinahadlangan ang pagbanggit sa katotohanan,kung saan ay ikinahihiya ang pagbanggit nito dahil sa pagka- mahiyain.Hanggat ang pagbanggit sa mga ito ay may kahalagahan,At nang banggitin ni Umm Sulaym ang panimulang ito na siyang naging dahilan ng pagiging magaan ng tanong niya,Pumasok siya sa pinaka punto ng talakayan;Nagsabi siya: Nararapat ba sa babae ang pagligo kapag siya ay nagkaroon ng imahinasyon sa kanyang pagtulog na siya ay nakikipagtalik?Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Oo,nararapat sa kanya ang pagligo,kapag siya ay nakakita ng lumalabas na tubig sanhi ng pagnanasa.