Sina Abu Ja`far Muhammad bin `Ali at ang ama nito ay kasama ang marangal na kasamahan ng Propeta na si Jabir bin `Abdillah-malugod si Allah sa kanya-at kasama nila ang mga tao,Nagtanong ang isang lalaki mula sa mga tao kay Jabir,kung ilang sukat ng tubig ang magiging sapat na pampaligo para sa taong Junub,Nagsabi siya: Sapat na sa iyo ang isang Saa.At si Hasan bin Muhammad bin Al-Hanafiyyah ay kasama sa mga tao na nandoon kay Jabir,Sinabi niyang:Ang sukat na ito ay hindi sapat para sa akin sa pagligo mula sa pagiging Junub.Nagsabi si Jabir:Ito ay sapat na para sa taong higit na makapal at marami ang buhok kaysa sa iyo,at higit na mainam sa iyo,at siya ay higit na mapagmasid sa iyo sa paglilinis niya at relihiyon niya-ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ito ay paghihimok sa pagsunod sa Sunnah at pag-iwas sa pagwawaldas ng tubig sa pagligo,Pagkatapos ay nagdasal sa kanila si Jabir bilang Imam.