Itinatanggi ni Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa mga taong dumadalo sa pagpupulong niya mula sa pangkalahatang tao,Nangyayari sa kanila ang pagkatakot kapag naririnig nila mga ilang bagay mula sa pakikipag-usap sa mga katangian [ni Allah] at nangangaligkig sila bilang pagtatanggi sa mga ito.Kaya hindi nila nakakamit ang pananampalatayang nararapat na siyang tunay ,buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagan-At napag-alaman nila ang kahulugan nito mula sa Qur-an na ito ay tunay at hindi nagkakaroon ng pag-aalinlangan rito ang isang mananampalataya,Ngunit ang iba sa kanila ay dinadala ito sa ibang kahulugan nito na siyang hindi nais ipahiwatig ni Allah,kaya masasawi sila dahil rito.