Si Abu Mas'ūd malugod si Allah sa kanya ay pinapalo ang anak nito gamit Ang patpat,nakarinig siya ng boses na pumipigil sa kanya sa likod niya,ngunit hindi niya nakilala Ang boses ng nagsalita,at nang nakalapit ito sa kanya namag-alaman niya na boses ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nagbabanggit sa kakayahan ni Allah Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan, sa sinasabi nitong:(( Dapat mong malaman o Aba Mas'ūd na si Allah ay may kakayahan sa iyo(na parusahan ka)dahil sa (ginagawa mong pamamalo) sa batang iyan)).At nang marinig niya Ang sinabi ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at pagbibigay niya ng babala rito kila sa pang-aapi sa mga mahihina,nahulog Ang patpat sa kamay niya sa sobrang takot niya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at sumunod siya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na Hinding-hindi na siya many-aapi ng alipin pagkatapos ng (pangyayari) magpakailanman.At Pagkatapos na marinig niya Ang dapat na marinig niya sa Sugoni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na pagpigil at pagbabala,Wala na siya ng ginawa-malugod si Allah sa kanya-maliban sa pagpapalaya niya rito,bilang kabayaran sa kanyang pamamalo,Nagsabi siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na kung hindi mo siya pinalaya,masusunog ka sa naglalagab-lab na apoy ng Impiyerno sa Araw ng Pagka-buhay,dahil sa kasamaan ng ginawa mo.