Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga uri ng mga tao kaugnay sa pagbigkas ng Qur'ān at pakikinabang dito: Ang Unang Uri: Ang mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān at nakikinabang dito kaya siya ay gaya ng bunga ng sitron: kaaya-aya ang lasa at ang amoy at maganda ang kulay. Ang mga kapakinabangan niya ay marami sapagkat siya ay gumagawa ayon sa binibigkas niya at nagpapakinabang sa mga lingkod ni Allāh Ang Ikalawa: Ang mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng datiles: ang lasa nito ay matamis at walang amoy rito. Ang puso niya ay naglalaman ng pananampalataya gaya ng paglalaman ng datiles ng tamis sa lasa nito at panloob nito. Ang kawalan ng paglitaw ng amoy nito na maaamoy ng mga tao ay dahil sa hindi pagkalitaw ng isang pagbigkas mula sa kanya, na nagiginhawahan ang mga tao sa pagdinig dito. Ang Ikatlo: Ang mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng balanoy: mayroon itong kaaya-ayang amoy at ang lasa nito ay mapait, yayamang hindi naangkop ang puso niya sa pananampalataya, hindi siya nagsasagawa ayon sa Qur'ān, at lumilitaw siya sa mga tao na siya raw ay isang mananampalataya. Ang amoy nitong kaaya-aya ay nakawawangis ng pagbigkas niya at ang lasa nitong mapait ay nakawawangis ng kawalang-pananampalataya niya. Ang Ikaapat: Ang mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng ligaw na pakwan yayamang tunay na ito ay walang amoy at mapait ang malalasahan dito kaya naman ang kawalan ng amoy nito ay nakawangis ng pagkakawala ng amoy niya dahil sa pagkakawala ng pagbigkas niya at ang kapaitan ng lasa nito ay kawangis ng kapaitan ng kawalang-pananampalataya niya sapagkat ang panloob niya ay hungkag sa pananampalataya at ang panlabas niya ay walang pakinabang doon, bagkus iyon ay nakapipinsala.