Sa Marangal na Hadith na ito ay (matatagpuan) ang mga kabuuan ng mga panuntunan at mga Kababalaghan na ipinakita sa mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila;ito ay sapagkat nang sila ay nasa paglalakbay at dinaig sila ng kanilang mga antok at nawala na ang dasal ng Fajr,Walang ibang ginawa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan maliban sa ipahayag niya sa kanila kung ano ang nararapat nilang gawin sa tulad ng kalagayang ito at ito ay ang pagmamadali sa pagbayad ng pagdarasal,At ang iba pang bagay,Na ang sinuman sa mga kasamahan ng Propeta ang naging Junub at wala sa kanila ang tubig,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allaha at pangalagaan ang mag Tayammum( paggamit ng buhangin o bato kapalit ng tubig),Napatunayan na sa kalagayan nang kawalan ng tubig,ay ipinapahintulot ang Tayammum sa pagligo.At ang pangatlong bahay at ito ay isa sa mga Himala ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Na kung saan ang mga tao ay nagreklamo sa kanya ng pagka-uhaw at kawalan ng tubig,Nagpadala siya ng sinumang maghahanap ng tubig ngunit wala silang natagpuan,at ang natagpuan nila ay isang babae na may dalang tubig sa dalawa niyang lalagyan,Dinala nila ito sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at kinuha sa mga lalagyan nito ang tubig at nanalangin siya sa Allah Pagkataas-taas Niya,hanggang sa lumabas ang mga tubig, at ang mga Kasamahan ng Propeta ay nagpainom at nagsi-inuman hanggang sa kahit ang sinumang naging Junub ay kumuha ng tubig na pampaligo niya,pagkatapos ay kinuha ng babae ang lalagyan niya at siya ay nagsasabi,Na para bagang mas napuno pa ito mula sa dati,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay mag-utos na mag-ipon ng pagkain para sa kanya bilang kabayaran sa kanya,Na kung saan ay naging dahilan pagkatapos nito sa pagyakap Nita sa Islām at pagyakap sa Islām ng mga tao niya