Nagpapabatid si Al-Barā` bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi nakakita ng isang tao – na ang buhok ng ulo nito ay mahabang umabot na sa mga balikat nito at nagsusuot ng pang-ibabang kasuutan at pang-itaas na kasuutan at may mga linyang pula – na higit na makisig kaysa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na kabilang sa mga katangian niyang pisikal ay na siya ay malapad ang pagitan ng mga balikat, matipuno ang dibdib, at katamtaman ang tikas sa pagitan ng matangkad at mababa.