Ipinaliwanag ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na ang kanyang kalagayan pati ang kanyang Ummah ay kasing kalagayan ng isang lalaki sa lupain (disyerto), pinasiklab ang apoy at ginawa ng mga balang at paru-paro nagsihulugan dito; sa pagkat ito ang kinasanayan ng paru-paro at balang at mga maliliit na insekto, kapag pinasiklab ng isang lalaki ang apoy sa lupa; tiyak na pupunta sila sa sinag (ilaw) na ito. At sabi Niya: Katotohanan pipigilan ko kayo para di kayo mahulog sa kanya, subalit kayo mismo ang umalis sa aking kamay, at iyon ay dahil sa pag-suway sa Sugo -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at pag-talikod sa kanyang Sunnah (gawain)".