Si Umar bin Al-Khattab, kapag dumarating sa kanya ang mga grupo na nakikipaglaban mula sa Yaman na silang tumutulong sa mga kawal ng Islam sa pakikipag-laban,ay nagtatanong siya sa kanila:Kabilang ba sa inyo si Uways bin A`mer,at nanatili siyang ganoon hanggang sa dumating si Uways-kaawaan siya ni Allah-nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ba si Uways bin A`mer?Sinabi niya: Oo,Nagsabi si Umar:Ikaw ba ay mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn?Sinabi niya:Oo,pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Umar:At nagkaroon kba ng ketongin at gumaling ka mula dito maliban sa parte na kasing-laki ng dirham?Sinabi niya:Oo,Nagsabi si Umar: Mayroon kabang Ina?Sinabi niya:Oo,at Nagsabi si Umar:Tunay na narinig ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siya ay nagsabi:Na darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga grupo ng mandirigma mula sa Yaman,mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,at nagkaroon siya dati ng ketongin at pinagaling siya ni Allah mula dito maliban sa parte na kasing-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya,at kapag sumumpa siya kay Allah na makamit ang isang bagay ay pagbubutihin ni Allah na makamit ang yaong bagay na isinumpa sa pagkamit nito,Kung kaya mo O Umar na humingi siya ng kapatawaran para sa iyo,Gawin mo.At hindi lubos na maunawaan dito ang lubos na kainaman nito kay Umar,at hindi rin dahil si Umar ay hindi pinapatawad sa kanya(kasalanan niya) ayon sanapagkasunduan ng mga pantas na tao,na si Umar ay tunay na mas-mainam sa kanya,sapagkat siya ay Tabe-ie (Sumunod)at ang Sahabah(kasamahan ng Propeta)ay mas-mainam sa kanya,Ngunit ang nais ipahiwatig ng Hadith na ito" Na si Uways ay kabilang sa tinatanggap sa kanya ang mga panalangin,at pagpapatnubay ni Umar sa pagpaparami ng kabutihan,at pagsamantala sa pananalangin ng sinumang nasasagot ang kahilingan nito;at ito ay katulad ng ipinag-utos sa atin ng Propeta-dito mula sa pagdua sa kanya,at pagpapala sa kanya at paghiling ng pagitan sa kanya kahit na ang Propeta ang pinaka-mainam sa anak ni Adam.pagkatapos ay hiniling sa kanya ni Umar na humingi siya ng kapatawaran para sa kanya,kaya`t humingi siya ng kapatawaran para sa kanya.Pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Umar:Ano ang lugar na balak mong puntahan?Nagsabi siya: Ang Ku`fah.Nagsabi si Umar:Gusto moba na sumulat ako sa iyo para sa pinuno nila upang mabigyan ka niya mula sa pananalapi ng mga Muslim ng sapat para sa pangangailangan mo?Nagsabi si Uways:Ang mapabilang ako sa mga nangangailangang tao at mga dukha nila ay mas kaibig-ibig sa akin,At nang dumating ang isang taong hinaharap,nagsagawa ng Hajj ang ang isang lalaki mula sa mga pinuno ng mga tao sa Kufah,nakipag-tagpo dito si Umar,at tinanong siya ni Umar patungkol kay Uways,at nagsabi siya:Iniwan ko siya sa bahay niya na mapagkumbaba,at ang mga kasangkapan ng bahay niya ay iilan lang,Nagsabi si Umar:Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalainsiya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Tunay na Darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga grupong mandirigma mula sa Yaman mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,Nagkaroon siya dati ng ketongin at gumaling siya mula dito maliban sa parte na kasin-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya ,at kapag sumumpa siya kay Allah na makamit ang isang bagay ay pagbubutihin ni Allah na makamit ang yaong bagay na isinumpa sa pagkamit nito,Kung kaya mo O Umar na humingi siya ng kapatawaran para sa iyo,Gawin mo.At dumating doon ang lalaki kay Uways at nagsabi siya:Humingi ka ng kapatawaran sa akin,Ang sabi ni Uways:Ikaw ang mas malapit sa pangako dahil sa paglalakbay ng mabuting tao,kayat humingi ka ng kapatawaran sa akin.Naisip ni Uways na marahil ay nagkatagpo sila ni Umar,Nagsabi siya sa kanya,:Nakatagpo ba kayo ni Umar?Sinabi niya: Oo,At humingi siya ng kapatawaran sa kanya,Nagtaka ang mga tao sa nangyari kaya`t lumapit sila sa kanya,at dumayo siya mula sa Kufah at pumunta siya sa ibang lugar na walang nakakakilala sa kanya sa mga tao.