Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag humiga siya sa higaan niya upang matulog, ay nag-uunan ng kanang kamay niya at naglalagay ng kanang pisngi niya sa ibabaw nito at nagsasabi: "O Allāh," Panginoon ko, "magsanggalang Ka sa akin" at mangalaga ka sa akin "laban sa pagdurusang dulot Mo" at parusa Mo "sa araw na magtitipon Ka o magbubuhay Ka ng mga lingkod Mo" para sa Araw ng Pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.