Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allah sa kanya: "May isang lalaking binanggit sa harap ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinapurihan ito ng isang lalaki nang maganda. Kaya nagsabi ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kapighatian sa iyo! Pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo." Sinasabi niya ito ng ilang ulat. "Kung ang isa sa inyo ay magpupuri nang hindi maiiwasan, magsabi siya: Itinuturing ko ito na ganito at ganoon kung nakikita niya na ito ay ganoon. Ang tagatuos niya ay si Allah. Hindi makapagpapatotoo ang isa man kay Allah sa kalinisang-budhi ng sinuman." Tumpak - Napagkaisahan ang katumpakan