Narinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaking naglalarawan sa isang lalaki sa mga kabutihan nito,at naging labis ang paglalarawan niya sa kanya sa mga katangiang maganda na wala naman sa mga katangian niya Pinagbawalan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At sinabi nia na ang mga bagay na ito ay maaaring maging dahilan sa pagkasawi niya,Sapagkat ang mga [pagpupuring] ito ay mag-oobliga sa taong pinupuri na maging Magmataas at Mayabang.