Sinabi ng Propeta -Pagpalain siya ng Allah at pangalagaan- Katotohanan na ang palatandaan ng kabutihang pagpapasya ng dakilang Allah sa alipin niya ay madaliin niya ang pag-bibigay ng parusa sa kanya bunsod ng nagawang kasalanan dito sa mundo hanggang sa lumabas siya sa mundo wala na siyang kasalanan na ibibigay sa kanya sa kabilang buhay; dahil ang sinuman ang natantya ang kanyang gawain dito sa mundo ay gagaan ang kanyang pagkakautang sa kabilang-buhay. At mula sa mga palatandaan ng masamang-atas sa isang alipin ay di pagbabayad sa kasalanang nagawa dito sa mundo hanggang dumating sa araw ng paghuhukom ay dala-dala ang mga kasalanan at ibibigay sa kanya, tutumbasan siya kung ano ang nararapat sa kanya sa araw ng pagkabuhay.