Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Dalasan ninyo ang pagsabi ng Yā dha -ljalāli wa –l’ikrām (O Karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal)." Tumpak - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad