Ayon kay Rāfi` bin Khudayj, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang bayad sa aso ay marumi. Ang kaloob sa patotot ay marumi. Ang kinita ng mambabakam ay marumi." Tumpak - Nagsalaysay nito si Imām Muslim
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nililinaw sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga kinikitang marumi at kalait-lait upang iwasan natin at piliin ang mga kinikitang kaaya-aya at marangal. Kabilang sa mga iyon ang bayad sa aso, ang upa sa patotot sa pangangalunya nito, at ang kinita ng mambabakam.