Nagsabi si Ayyūb Al-Sakhatānī: Nagsabi sa akin si Abē Al-Jurmī: Hindi kaba makikipag-tagpo kay 'Amr bin Salamah,nang sa gayon ay matanong mo siya tungkol sa mga pinagsasabi sa kanya.Nagsabi siya:Nakatagpo ko si 'Amr bin Salamah at tinanong ko siya:Ang sabi ni 'Amr bin Salamah: Kami ay nasa lugar na pinapahingaan namin at ang lugar ay dinadaanan ng mga tao,At dumaan sa amin ang mga nakasakay (sa kanilang kamelyo) At tinanong namin sila tungkol sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang kalagayan ng mga Arabo ng kasama niya,Sinasabi nila:Sinasabi niya na si Allah ay nagsugo sa kanya,at ipinapahayag sa kanya ang mga ganito mula sa mga naririnig nila sa kanya na Quran,at naisa-ulo ko ang Quran na ito nang Hindi nakakalimutan na para bang dumidikit sa puso ko,At ang nga Arabo ay naghihintay at Hindi yumayakap sa Islām hanggang sa mabuksan ang Meccah,Sinasabi nila: Hayaan ninyo sila kasama ang mga Tao niya na Quraysh,sapagkat kapag siya ay nagtagumpay laban sa kanila,katotonang siya ay tunay na Propeta,at nang mabuksan ang Meccah,nagmadali ang bawat grupo ng mga Tao sa pagyakap ng Islām,at nagmadali si Ubayy at unang yumakap sa Islām sa mga Tao niya,at pumunta siya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nang dumating siya mula sa kanya,nagsabi siya:Dumating Ako sa inyo sumpa kay Allah na mula sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na totoo,at ipinaalam niya sa kanila na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagan-ay nagsabi sa kanila: Magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at kapag dumating ang pagdarasal,tumawag ng Āzān ang isa sa inyo at manguna sa inyo,ang may pinaka-maraming naisa-ulo mula sa Quran.Naghanap sila at walang isa sa kanila na may mas maraming (naisa-ulo) mula sa akin,nang ako ay makipagtagpo sa mga nakasakay ( sa kamelyo) at ako ang may pinaka-maraming (naisa-ulo) sa kanila ng Quran,Pina-una nila ako na magdasal sa kanila at ang edad ko sa panahon na iyon ay nasa anim o piton-taong gulang,at sa akin ay may maiksing damit,na kapag ako ay nagpapatirapa,bumabalot ito sa akin at nakikita ang (pribado bahagi) sa akin,Nagsabi ang isang babae mula sa mga kasamahan ko:Hindi niyo ba tatakpan sa amin ang (pribadong bahagi) ng Taga-basa ninyo (ng Quran). Bumili sila para sa akin ng damit,at hindi pa ako lumigaya sa isang bagay tulad ng pagkaligaya ko sa damit na iyon.At hindi pinapatunayan sa Hadith na ito, na hindi kondisyon ang pagtakip ng pribadong bahagi sa Pagdarasal,sapagkat ito ay nangyari sa panahon(Nila),Kaya't may pag-aalinlangan na ito ay bago nila malaman ang panuntunan