Ang araw ng Biyernes ay isang malaking pagtitipon para sa lahat ng nananahan sa kani-kanilang mga lugar,Kung-kaya`t ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kabilang sa karunungan niya, siya ay nagsesermon sa araw ng Biyernes ng dalawang beses,nangangaral sa kanila sa dalawang [sermon] na ito ng kabutihan at nagbibigay babala sa kasamaan.At siya ay nagbibigay ng dalawang sermon na nakatayo sa Al-Minbar,Nang sa ganoon ay maging ganap sa pangangaral niya sa kanila at pagpapayo sa kanila,dahil matatagpuan sa pagtayo ang pagpapakita ng lakas ng Islam at pagmamahal nito.At kapag natapos siya sa unang sermon ,umuupo siya ng panandaliang pag-upo upang makapagpahinga,kaya`t nahihiwalay ang una sa ikalawa,pagkatapos ay tatayo siya at magsesermon para sa ikalawang beses,upang hindi mapagod ang bagsesermon at hindi mayamot ang tagapakinig