Sinasabi ni Abū Qilābah: Dumating sa amin si Mālik bin Al-Huwayrith; isa sa mga kasamahan ng Propeta, sa Masjid namin,Tunay na dumating Ako sa inyo upang magdasal para sa inyo ng isang dasal,Ang layunin ko rito ay ituro sa inyo ang pagdarasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pamamaraan ng pagsasasagawa,upang ang pagtuturo sa pamamagitan ng pagsasagawa, ay higit na malapit [sa katuruan ng Propeta] at mananatili sa kaisipan ninyo.Nagsabi ang taga salaysay, buhat kay Abē Qilābah: Papaano ang pamamaraan ni Mālik bin Al-Huwayrith sa pagdarasal-na siyang nagturo sa inyo sa pamamaraan ng Pagdarasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya: Tulad ng pagdarasal ng Guro naming si Abē Yazīd 'Amr bin Salamah Al-Jaramīy- At siya ay umuupo ng panandaliang pag-upo kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa para pagtindig,bago siya bumangon sa pagtayo.