Habang ang isang lalaki mula sa kasamahan ng Propeta,ay nakatayo sa `Arafah sa Kamelyo niya,sa Hajj ng Pamamaalam, sa loob ng pagiging Ihram,siya ay nahulog rito,nabali ang leeg niya at ikinamatay niya,Ipinag-utos sa kanila ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na paliguan siya tulad ng pagpapaligo sa mga ibang patay,[gamit ang] tubig,puno ng Nabk,at balutin siya sa damit at sarong niya,na siyang ginamit niya sa Pag-Ihram.At dahil sa siya ay nasa loob ng pagiging Ihram sa pagsasagawa ng Hajj at ang mga bakas ng Pagsamba ay nananatili sa kanya,Ipinagbawal sa kanila ng Sugo ni Allah--pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pabanguhan siya at ang takpan ang ulo niya,At binanggit niya sa kanila ang layunin doon,Ito ay dahil sa siya ay muling babangunin ni Allah sa kalagayan ng pagkamatay niya,ito ay ang Pagtugon [ sa Allah],na siyang Tanda sa pagsasagawa ng Hajj.