Si Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ay bumibigkas noon ng talatang ito [ng Qur'ān 4:58]: "Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito, at kapag humatol kayo sa mga tao ay humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allah ay kay buti ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allah ay laging Nakaririnig, Nakakikita." Binabanggit niya na siya ay nakakita sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bumibigkas nito at naglalagay ng hinlalaki niya sa tainga niya at ng [daliring] kasunod nito sa mata niya, bilang pagbibigay-diin sa pagpapatibay sa katangian ng pagdinig at pagtingin para kay Allah, pagkataas-taas Niya, at bilang pagtutol sa mga pakahulugan ng mga naglilihis ng kahulugan. Wala ritong pagwawangis sa nilikha batay sa sabi ni Allah (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita." Ang paniniwala sa mga talata ng Qur'ān, sa lahat ng mga ito, ay humihiling ng nabanggit.