Kapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon sa sukat na isang dangkal, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya sa sukat na isang siko. Kapag nagpakalapit ang tao sa Panginoon nang higit doon, nagpapakalapit ang Panginoon sa kanya nang higit sa pagpapakalapit niya sa Panginoon. Kapag pumunta ang tao sa Panginoon niya, pupunta sa kanya ang Panginoon nang higit na mabilis kaysa sa kanya. Ang paglapit at ang pagpunta ay dalawang katangiang napagtibay na taglay ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Naniniwala tayo sa dalawang ito nang walang pagpapaliwanag ng kahulugan, ni pagtutulad sa kahulugan, at nang walang paglilihis ng kahulugan, at ni pagpapaliwanag sa kahulugan.