Sa Hadith na ito,Ipinapahayag ni Jaber bin Abdullah-malugod si Allah sa kanya-na siya ay nakipaglaban kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at ang pakikipaglaban na ito ay kilala para sa mga mananalaysay na pakikipag-labang"May-ari nang Nagtatagpi" at sa sandaling pagbalik nila mula sa pakikipag-laban,Bumaba ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras nang tanghali sa lugar na may maraming puno na may tinik,at naghiwa-hiwalay ang mga tao mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-naghahanap sila nang mga lugar na masisilongan nila dahil sa init ng araw.At bumaba siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang puno na may malaking silong na tinatawag na(Assamurah),at isinabit niya dito ang tabak niya,pagkatapos ay natulog siya at natulog ang mga tao,pagkatapos ay nagtago sa kanila ang isanh arabo na kabilang sa mga naka-away ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pakikipaglaban na ito,at hindi nila ito naramdaman,kinuha niya ang tabak ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na patago,nagising siya sumakanya ang pagpapala ata pangngalaga,pagkatapos ay nagsabi siya:((tunay na tinangka niya sa akin ang aking tabak habang ako ay natutulog,hanggang sa nagising ako,kayat kinuha ng arabo ang tabak at nagtangka ito sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nagsasabi:"Sino ang pumipigil sa iyo , sa akin, kung ninais ko na patayin ka?Sinagot siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Si Allah" at inulit niya ito ng tatlong beses,at ang ibig sabihin ay: Si Allah Pagkataas-taas Niya-ay aalagan Niya kami mula sa iyo,Sinabi niya ito-sumakanya ang pagpapala at kapayapaan-Na siya ay may pananalig kay Allah,at Nakatitiyak sa pangako niya,Hanggang sa nahulog ang tabak mula sa kamay ng hindi mananampalataya,Kinuha ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Sino ang pumipigil sa iyo,mula sa akin?na ibig sabihin:kapag ninais ko na patayin ka?Sumagot sa kanya ang hindi mananampalataya:(Maging isa kang taga-kuha)at ang ibig sabihin nito ay:Ang pagpapatawad at pagpapasensiya at ang kabayaran ng kasamaan ay kabutihan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Sumasaksi kaba na walang ibang Diyos na dapat sambahin malaban kay Allah?)Nagsabi siya: Hindi,Ngunit nangako siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi na siya makkikipaglaban sa kanya,at hindi siya sasama sa mga taong makikipag-laban sa kanya,At pinabayaan niya siya,Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa kanyang daan,at bumalik ang taong ito sa kanyang mga kasamahan at nagsabi siya:(Dumating ako sa inyo mula sa may pinaka-magandang kaasalan sa mga tao)at ang nangyari ay tulad nang sinabi ng Hindi mananampalataya,Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang siyang pinaka-mainam sa mga tao sa kaugalian at sapat na dito ang rekomendasyon ni Allah sa kanya,sa Pagsabi Niya:[At katotohanan na ikaw (O Muhammad) ay nag-aangkin ng mataas na moral ng pag-uugali]