explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakaupong nakadikit ang mga pigi niya sa lapag, na nakatukod ang mga binti niya, habang kumakain ng datiles, upang hindi siya makakain ng marami sapagkat tunay na siya sa kalagayang ito ay hindi magiging napapanatag sa pagkakaupo kaya hindi siya makakakain ng marami.