Ayon kay Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanya,Na ang isang babae mula sa Al-Ansar ay nasa kanyang kamelyo,napagod siya rito at nagsawa at sinabi niya:"Isinumpa ka ni Allah",Narinig ito ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ipinag-utos niya na kunin rito ang mga baon o mga gamit,pagkatapos ay pakawalan,sapagkat ito ay isinumpa.Nagsabi si `Imraan malugod si Allah sa kanya-Katotohanang nakita ko ito,ibig sabihin ay ang kamelyo na naglalakad sa mga tao na walang pumapansin rito,dahil ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos na ito ay pakawalan.