Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na sa gabi ay may oras na kapag natapatan ng isang taong Muslim na humihiling kay Allah, pagkataas-taas Niya, ng kabutihang kabilang sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, bibigyan siya nito. Iyon ay sa bawat gabi." Tumpak - Nagsalaysay nito si Imām Muslim