Ipinapaalam ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol sa isang lalaki mula sa mga naunang Ummah,binisita niya ang kapatid niya sa ibang nayon.Inihanda ni Allah para sa kanya ang isang Anghel,daan niya,mangangalaga sa kanya at magsusubaybay sa kanya-Tinanong siya ng Anghel kung saan siya pupunta?Sinabi niya na siya ay pupunta,upang bisitahin ang kapatid niya sa Allah,sa nayong ito.Tinanong siya ng Anghel,kung siya ba ay pag-aari [alipin mo] o anak mo,o maliban rito mula sa mga taong inoobliga mo para sa kanila ang paggugol mo at pagmamahal mo,o mayroon ka bang magagandang [bagay na] nakukuha sa kanya?Ipinaalam niya sa kanya na:Wala; Subalit iniibig ko siya para sa Allah,at hinahangad ko sa pagbisita ko ang kasiyahan ni Allah,Ipinaalam sa kanya ng Anghel na siya ay Sugo mula kay Allah,upang ipaalam sa kanya na katotohanang si Allah ay iniibig siya tulad ng pag-ibig niya sa kapatid niya para sa Allah