Lumabas si Jaber malugod si Allah sa kanya kasama ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa mga ilang lakad nito,at nagkaoon siya ng pangangailangan kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang gabi,dumating siya upang ipaalam ito sa kanya,nadatnan niya ito na nagdarasal,at siya malugod si Allah sa kanya ay may suot ng isang damit lamang,pinagkasya niya ito,at inilagay ang dulo nito sa balikat at nagdasal siya sa tabi ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at ng matapos ito sa pagdarasal ay tinanong siya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa dahilan ng pagdating niya sa ganitong huling-oras na,ng gabi,ipinaalam niya ang kailangan niya na siyang dahilan ng pagdating niya, at nang matapos niyang sabihin ang kailangan nito,ipinag-bawal sa kanya ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang pagpapakasya nito sa damit,dahil ito ay mahigpit,at iniutos nito na kung ang damit ay maluwag, ay maaari itong pagkasiyahin sa buo nitong katawan,sa itaas at sa ibaba,at ilagay niya ito sa balikat niya,at pag-tugunin ang dulo ng kaliwa sa balikat na kanan at pag-tugunin ang dulo ng kanan sa balikat na kaliwa,upang maging sarong at damit.matatakpan nito ang buong katawan niya,at ito ang mas-mainam sa pagtakip ng pribadong-bahagi ng katawan,at mas-maganda kung ito ay tingnan,at kung ang damit ay mahigpit at hindi ito maaaring gawing sarong at damit,gawin niya itong sarong at ito ay sa paghihihigpit sa baywang nito at takpan niya ang ibaba ng katawan niya.