Nagtalo si 'Abdullāh bin 'Abbās at Al-Miswar bin Makhramah-malugod si Allāh sa kanilang dalawa-sa pagligo ng taong nasa kalagayan ng Ihrām,kung huhugasan ba ng Muhrim ang ulo niya o hindi,At ang kalagayang pinag-aalinlangan rito ay, kapag kinalikut ang buhok sa ulo nito maaari itong maging dahilan sa pagkahulog ng mga buhok, Dumating si 'Abdullāh bin Hanīn kay Abē Ayyūb, at nadatnan niya itong naliligo. Sinabi niya sa kanyang;Ipinadala ako sa iyo ni Ibn 'Abbās, upang magtanong sa iyo kung papaano maligo ang Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-Sinabi niya sa nagbubuhos sa kanya ng tubig: Buhusan mo;pagkatapos niyang ibaba ang damit na siyang itinatakip niya,hanggang sa makita ang ulo niya, Pagkatapos ay kinalikut nito ang ulo niya sa mga kamay niya,iginalaw niya ito nang paharap at salubong,Pagkatapos ay sinabi niyang;Ganyan ang nakita kong ginagawa ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.At nang dumating ang inutusan,sinabi niya sa kanilang dalawa, ang katumpakan ng nakita ni 'Abdullāh bin 'Abbās-at sila ay naghahanap ng katotohanan-umamin [sa kanyang pagkakamali] si Al-Miswar -malugod si Allāh sa kanya-at sinang-ayunan niya ang kahigitan ng kasama niya: at Sinabi niyang:Hindi na ako makikipagtalo sa iyo kailanman