Ipinahahayag sa atin ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na may isang lalaki ay bumili sa isang lalaki ng lupa,natagpuan ng bumili dito ang ginto,dahil sa sobrang linis ng puso nito,ibinalik niya ang ginto sa nagbinta nito,dahil binili niya ang lupa at hindi niya binili ang ginto na nakatago dito,Tumanggi din ang nagbinta na kunin ito,sa sobrang ingat nito at linis ng puso nito,dahil ibininta niya ang lupa at ang napapaloob dito,nagtalo sila at sinabi nila sa tagapag-hukom,na magpadala ng sinumang maghawak nito at ilagay niya ito sa nararapat dito,Hindi ito pumayag,at tinanong niya silang dalawa,kung mayroon ba silang mga anak?Nagsabi ang isa sa kanila na mayroon siyang binatang lalaki,at sinabi ng ikalawa na mayroon siyang babae,Iminungkahi niya sa kanilang dalawa na ipakasal ang binata sa babae at gumastos sila mula sa halaga ng ginto at magkawang-gawa sila mula rito