Nililinaw ng marangal na hadith na itinuturing na kaibig-ibig para sa nagdarasal na maglagay ng harang sa harapan niya, na ang pangharang ay magagawa mula sa bawat bagay na itinatayo ng nagdarasal sa harapan niya, kahit pa man ito maikli o manipis gaya ng palaso. Sa gawaing iyan ay may isang \pagpapakita ng kadalian ng Shari`ah at kaluwagan nito.